haring batugan
binulag ka ng iyong kasabihan
lunod sa pulang luha
sabaw sa oras
dikit mata sa salamin
na nakapangalan sa akin
sinong bida?
sinong nagpapabida?
wala kaming alam
wala kaming alam
diba?
parang biro
nakangiting dinuro
pinipilit mo ba
na maging ako ikaw?
sinong huwad na tupa sa atin?
mas bagay sa iyong maging alipin
hinirang ka na bayani
sinasambang propeta ng lahat
litanyang kinakanta
lipas sa oras
kaalamang pinagkait
at lahat na ay 'inaangkin'
sinong bida?
sinong nagpapabida?
huwag kang mapagpanggap
nagmamaang-maangan ka
parang biro
nakangiting dinuro
pinipilit mo ba
na maging ako ikaw?
sinong huwad na tupa sa atin?
mas bagay sa iyong maging alipin
A strong comment here is specific: the phrase you keep hearing, the mood you come back for, or the reason this song stays in rotation.
Sign in to post the first listener note. Reporting stays open to everyone.