Langit lang ang may alam
Kung bakit di tayo nagkatuluyan
At kahit na tunay ang pagsinta
Tadhanang nagpasya para sa ating dalawa
Chorus:
Kung magmamahal akong muli
Mabubuhay na lang sa pagkukubli
Dahil puso ko'y sayo pa rin
Mananatili ito sa damdamin
Ikaw pa rin, ikaw pa rin
Hanggang sa huli
Kung di ngayon ang ating panahon
Baka sa kabilang buhay mabigyan ng tugon
(Repeat Chorus 2X)
A strong comment here is specific: the phrase you keep hearing, the mood you come back for, or the reason this song stays in rotation.
Sign in to post the first listener note. Reporting stays open to everyone.