landas natin ay pinagtagpo kahit 'di natin plinano
tinakdang pangako na mahulog ako sa 'yo
unang pagtingin, alam ko na, ikaw ang bubuo, sinta
ng aking mundo pati na rin ang puso
sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
pero itong mga kamay, hindi bibitaw
ikaw ay akin at ako'y iyo, kalawakan ma'y gumuho
kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
ikaw ay akin at ako'y iyo, lagi at kailanman ay pinangakong
mamahalin kita nang buong-buo, puso'y iyong iyo
Na, na, na, na, na, na, na
bukas man ay 'di nakatakda, ang alam ko lang ay andiyan ka
bawat umaga ay parang himala
sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
pero itong mga kamay, hindi bibitaw
ikaw ay akin at ako'y iyo, kalawakan ma'y gumuho
kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
ikaw ay akin at ako'y iyo, lagi at kailanman ay pinangakong
mamahalin kita nang buong-buo, puso'y iyong iyo
Yeah, yeah, baby
ikaw ay akin at ako'y iyo, kalawakan man ay gumuho
kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
ikaw ay akin at ako'y iyo, lagi at kailanman ay pinangakong
mamahalin kita nang buong-buo, puso'y iyong iyo
A strong comment here is specific: the phrase you keep hearing, the mood you come back for, or the reason this song stays in rotation.
Sign in to post the first listener note. Reporting stays open to everyone.