sabado na, maglaro tayo!
isa ka sa anghel na biglang naglaho
sumabay ka rin sa pagsipol ko
a~wa~wa
minsang malumbay ang munting tahanan
paumanhin man kung ika'y nasaktan
susubaybayan ang iyong kalungkutan
tulad ng aking kamatayan-
naglalaro lang tayo
nandito! nandito!
nandito lang naman ako
pikit-mata at ayaw kang makita!
takbo ng oras ko ay paurong
'di ba't nakakatindig balahibo?
inuugoy ng makasalanang anino
naghihintay pa rin ako-
sayo
kailan ka mumulat sa 'king panaginip?
lalo lang akong naiinip
susubaybayan ang iyong kalungkutan
tulad ng aking kamatayan-
naglalaro lang tayo
nandito! nandito!
nandito lang naman ako
pikit-mata at ayaw kang makita!
inuugoy ng makasalanang anino
naghihintay pa rin ako-
sayo
sabado na, maglaro tayo
isa ka sa anghel na biglang naglaho
A strong comment here is specific: the phrase you keep hearing, the mood you come back for, or the reason this song stays in rotation.
Sign in to post the first listener note. Reporting stays open to everyone.